Regional Champion ng Association of Philippine Administrators - Municipal Administrator Mr Byen Mayuga





Ikinagagalak naming ibalita sa inyo mga kapwa namin Laureleño, na ang ating Municipal Administrator na si Ginoong Byen Mayuga ay napiling Regional Champion ng Association of Philippine Administrators. Nangangahulugan ito na siya ang magiging kinatawan ng mga administrador ng Region 4A.  Ang nasabing kumbensyon ay mula Pebrero 1-3, 2023 na kasalukuyang ginaganap sa Philippine Trade Training Center, CCP Complex, Pasay City. Dinaluhan ito ng iba't ibang kinatawan ng mga administrador sa buong bansa.

Ang administrasyon ni Mayor Lyndon M Bruce ay nagagalak sa mga taong nagiging katuwang niya tungo sa pagkakamit ng mga hangarin ng Bagong Laurel na Maunlad! 

Congratulations!

Post a Comment

0 Comments