Bilang pakikiisa sa Earth Day 2023 ay nagsagawa ng Clean up Drive ang ating MENRO kasama si Brian Curtis Smith Tenorio, isang Laureleñong vlogger at founder ng samahang Kaliham Cares na naglalayong magpatibay ng diwa ng bayanihan sa ating bayan.







 Bilang pakikiisa sa Earth Day 2023 ay nagsagawa ng Clean up Drive ang ating MENRO kasama si Brian Curtis Smith Tenorio, isang Laureleñong vlogger at founder ng samahang Kaliham Cares na naglalayong magpatibay ng diwa ng bayanihan sa ating bayan. Kasama rin nila ang 2 pang volunteers na sina Aileen Pundano at Kaye Bathan Palmones. Naging sentro ng kanilang paglilinis ang Antona River na matatagpuan sa barangay San Gabriel. Bukod sa kalat na iniwanan ng mga pumapasyal roon na umaabot humigit kumulang sa 300 kilo, ay marami rin silang nakuhang mga plastic na bote na maaaring naanod dulot ng nagdaang pagbaha.

Maraming Salamat sa inyong pagmamalasakit sa kalinisan ng bayan ng Laurel!

Post a Comment

0 Comments