Modipikasyon ng Comprehensive Land Use Plan ng ating bayan.

 




Ginanap sa Twin Lakes Hotel ang dalawang araw na pasimula ng modipikasyon ng Comprehensive Land Use Plan ng ating bayan. Ayon nga kina Mayor Lyndon M Bruce at Vice Mayor Aries Parrilla, sa pagtahak natin sa kaunlaran hindi dapat na napapabayaan ang ating likas na yaman. Ang maayos na pangangasiwa sa ating yamang-lupa ay magbubunga ng kaayusan sa lahat ng aspekto ng ating pamumuhay. Layunin rin ng naturang sesyon na maisaayos ang mga ordinansa na may kaugnayan sa paggamit ng lupa at matugunan ang mga isyu na kinakaharap ng mga Laureleño kaugnay nito.

Ang naturang kolaborasyon kasama ang Geoinfometrics Solutions Co. ay dinaluhan ng mga piling department heads, mga myembro ng Sangguniang bayan, NGOs at kawani ng Munisipyo mula Mayo 8-9, 2023.

Post a Comment

0 Comments