Sa inisyatibo ng ating Office of the Municipal Agriculturist na pinamumunuan ni Ms. Anne Mirjam Atienza, nagkaroon ng pagsasanay sa paggawa ng ube jam at ube chips sa ating bayan.

 








UBE-r sa SARAP!

Sa inisyatibo ng ating Office of the Municipal Agriculturist na pinamumunuan ni Ms. Anne Mirjam Atienza, nagkaroon ng pagsasanay sa paggawa ng ube jam at ube chips sa ating bayan. Nilahukan ito ng 35 na miyembro ng San Gregorio Rootcrops Farmers Association. Ito’y naging matagumpay sa tulong nina G. John Maico Hernandez at Bb. Renalee Leyesa ng Department of Science and Technology (DOST) Batangas.
Ang mga naging resource speaker naman ng pagsasanay na ito ay mula sa UPLB na sina Gng. Claire Zubia at G. Romel Felismino.
Patuloy ang suporta ng ating Mayor Lyndon M. Bruce, Vice Mayor Aries Parrilla, at mga myembro ng Sangguniang Bayan, sa mga gawaing pang-agrikultura ng ating bayan upang mas lalong maitaas ang kalidad ng mga lokal na produkto ng Bayan ng Laurel.
Mabuhay ang magsasakang Laureleño!

Post a Comment

0 Comments