Flag Raising Ceremony

 






Ngayong araw ng Lunes, matapos ng Flag Raising Ceremony, isinagawa ang paggagawad ng mga premyo sa mga nagwagi sa nakaraang Street Dance Competition. Binigyan rin ng parangal si Kapitan Cris Lamano para sa kanyang natatanging taon ng panunungkulan bilang Brgy. Captain ng Bugaan East, Laurel, Batangas. Matapos nito, ay nagkaroon naman ng salu-salo sa Function Hall na dinaluhan ng mga empleyado ng Munisipyo, PNP at BFP personnel,  barangay captains, mga myembro ng Sangguniang Bayan,  mga school heads, at mga bisitang opisyales ng Philippine Coast Guard. Ang naturang salu-salo ay bilang pasasalamat ni Mayor Lyndon M. Bruce, Vice Mayor Aris Parrilla at mga Myembro ng Sangguniang Bayan para sa isang matagumpay na selebrasyon ng 54th Founding Anniversary and 5th Tilapia Festival.

Happy Monday, Laureleños!

Post a Comment

0 Comments