PAMAMAHAGI NG LIBRENG FACE MASK

 





Kasalukuyang ipinamamahagi ng ating MDRRMO staff sa mga barangay na malapit sa lawa ang N95 facemask na donasyon ng Office of the Civil Defense Calabarzon sa ating bayan noong nakaraang linggo.

Patuloy ang paalaala ng ating Mayor Lyndon M Bruce, Vice Mayor Aries Parrilla at mga Myembro ng Sangguniang Bayan na mag-ingat ang lahat, lalo na sa mga nasa coastal areas, sa dulot ng Smog na ibinubuga ng Bulkang Taal. Isuot ang inyong facemask, manatili muna sa loob ng bahay, at uminom ng maraming tubig upang mapangalagaan natin ang ating kalusugan.

Post a Comment

0 Comments