Turn Over Ceremony of Multi Commodity Solar Tunnel Dryer






 Naganap ngayong araw na ito, June 16, 2023, ang Turn Over Ceremony of Multi Commodity Solar Tunnel Dryer para sa Babae Lakas ng Mamamayan - Kalipunan ng Liping Pilipina. Ang naturang gawain ay dinaluhan ni Mayor Lyndon M. Bruce, Konsehal Francis Endozo na Chairman ng Committee on Agriculture, mga kinatawan buhat sa Municipal Agriculturist Office sa pangunguna ni Ms. Anne Mirjam Atienza, mga pangulo ng Babae, Lakas ng Mamamayan (BLM) sa pangunguna ni Ginang Arlene Bruce, at ni Municipal Administrator Byen Mayuga. 

Ayon sa kanyang talumpati, sinusuportahan ni Mayor Lyndon M Bruce ang layunin ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultur na palakasin ang partisipasyon ng mga kababaihan sa mga gawaing pangkabuhayan dito sa bayan ng Laurel. Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga makabagong teknolohiya, pagsasanay at impormasyon ukol sa mga gawaing pangisdaan at pang-agrikultura. 

Ang solar dryer na ito ay magsisilbing panimula ng samahang ito upang mas maitaas ang antas ng kanilang kabuhayan. Dagdag pa rito, Ang programang ito ay nakapaloob sa Gender and Development (GAD) Program na naglalayong mas pagbutihin ang pamumuno at pakikiisa ng mga myembro ng nasabing samahan.

Post a Comment

0 Comments