Ngayong umaga ng Martes, Agosto 1, 2023, ay bumisita si Mayor Lyndon M Bruce kay Nasugbu Municipal Mayor Antonio Jose Barcelon upang ipagpatuloy ang matibay na ugnayan ng dalawang bayan lalo na sa panahon ng kalamidad partikular na ang pagtutulungan sa panahon ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal. Kaugnay nito, nilagdaan ng dalawang Punong Bayan ang Memorandum of Agreement na naglalaman ng matibay na bigkis sa pagitan ng Nasugbu at Laurel. Kasama niyang bumisita sa naturang bayan sina Admin Byen Mayuga at MDRRMO Head Venus de Villa.
Batangueño para sa kapwa Batangueño!



0 Comments