Limang libong piso para sa mga Rice Farmers na Laureleño! BATCH 2







 Limang libong piso para sa mga Rice Farmers na Laureleño!

BATCH 2
Noong August 16, 2023, Isinagawa ang pagpupulong ng 48 na Rice Farmers na mga benepisyaryo ng Rice Farmer Financial Assistance (RFFA) sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Ang mga benepisyaryong ito ay mga first timers na makakakuha ng financial assistance na nagkakahalaga ng Limang Libong Piso (Php 5,000.00) na kaloob ng Department of Agriculture Region 4-A na makukuha naman nila sa USSC remittance center sa Tanauan.
Patuloy ang ating pasasalamat sa ating Municipal Agriculturist Office sa pangunguna ni Ms. Anne Mirjam Atienza sa kanilang kasipagan sa pag-alalay sa ating mga magsasaka. Sa administrasyon ni Mayor Lyndon M. Bruce, Vice Mayor Aries Parrilla katuwang ang Sangguniang Bayan Members,laging panalo ang magsasakang Laureleño!

Post a Comment

0 Comments