Nagpapatuloy ang pagsasagawa ng paglilinis ng kapaligiran ng Servite Catholic School

 






Nagpapatuloy ang pagsasagawa ng paglilinis ng kapaligiran ng Servite Catholic School. Ngayong araw ng Martes, Agosto 29, 2023, naroon muli ang staff ng MDRRMO na nagpapala ng mga lupa simula kahapon. Dumating rin 10 kinatawan buhat sa Provincial Disaster Risk and Reduction Management Office at 13 kinatawan naman buhat sa Provincial Engineering Office. Inaasahang bukas ay darating ang mga equipment ng PEO gayundin ang kanilang truck para sa mas mabilis na pagsasaayos ng paaralan.

Nagkaroon rin ng pagpupulong sa tanggapan ng Municipal Administrator sina Admin Byen Mayuga at mga kinatawan buhat sa mga nasabing sangay ng probinsya upang ayusin ang suliraning ito ng naturang paaralan.

Post a Comment

0 Comments