BMEG HOG RAISING SEMINAR
Humigit kumulang 100 na hog raisers ang nakilahok sa ginanap na pagsasanay ng BMEG ukol sa tamang pamamaraan ng pag-aalaga ng baboy noong ika-14 ng Setyembre2023. Dito’y nakiisa rin sina Kon. Kiko Endozo, Kon. Liezel De Castro at Kon. Norvic Garcia at nagpakita ng suporta sa gawaing ito.
Naging posible ang pagsasanay na ito sa tulong ng BMEG-San Miguel Foods Inc. at Jimmy and Nora Feeds Supply. Ang nasabing pagsasanay ay lubhang ikinatuwa nga mga magbababoy sapagkat bukod sa mga kaalaman at masayang naiabot ni Dr. Romualdo Buenviaje ang mga teknolohiyang lubhang makatutulong sa mga tulad nilang magbababoy.
Hinahangad ng tanggapan, sa pangunguna ni Bb. Anne Mirjam Atienza, na mas mapaunlad at mas maitaas pa ang kalidad ng pagbababoy sa bayan ng Laurel.
Sa administrasyon ni Mayor Lyndon M Bruce katuwang ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Aries Parrilla, agrikultura ay tiyak na uunlad!



0 Comments