CASSAVA PROCESSING AND UTILIZATION







 CASSAVA PROCESSING AND UTILIZATION

Kasalukuyang nagaganap ang pagsasanay ng pagpoproseso ng kamoteng kahoy na nilahukan ng 35 kababaihang magsasaka ng bayan ng Laurel. Ang cassava na itinuturing na isang “superfood” ay isa sa mga ipinagmamalaking produkto ng bayan.
Ang programang ito ay naging posible sa tulong at inisyatibo ng Kagawaran ng Pagsasaka, Rehiyon IV-A sa ilalim ng Corn Banner Program. Dito ay nagbigay kaalaman si G. Raegan Tamidles, kasama sina Gng. Digna Alcedo, Eden Recon at Mary Ann De Mesa ukol sa iba’t ibang pamamaraan ng pagpoproseso ng cassava katulad ng cassava polvoron, cake at chips.
Walang humpay na suporta ang ipinaabot ni Mayor Lyndon Bruce kasama sina Kon. Kiko Endozo at Kon. Liezl De Castro sa gawaing ito ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultur. Ito’y isang daan muli upang magkaroon ng dagdag kabuhayan sa ating mga magsasaka. Tunay na patuloy ang pag-unlad ng ating bayan!

Post a Comment

0 Comments