Congratulations Servite Catholic School!
Ngayong araw na ito, Setyembre 29, 2023, naganap sa SB conference Hall ang Koop Quiz 10th Blast- Municipal Level kung saan nilahukan ito ng pitong (7) Grade 10 students buhat sa iba't ibang paaralan sa bayan ng Laurel. Naroon rin bilang mga saksi at tagasuporta ang kanilang mga coach/teacher kasama si Admin Byen Mayuga at Municipal Cooperative Designate na si Ms. Myla Masicat. Mga miyembro naman ng Municipal Cooperative ang bumuo sa Board of Judges gayundin ang nagsilbing Time Keeper.
Pumangalawa sa pwesto ang kinatawan ng Wenceslao Trinidad National High School na sinundan naman ng Bugaan Integrated School na nakakuha ng ikatlong pwesto. Bukod sa sertipiko ng pagkilala, nakatanggap rin ang mga kalahok ng cash prize buhat sa ating lokal na pamahalaang bayan. Magkakaroon naman ng provincial contest kaugnay nito sa darating na Oktubre 2023 kung saan irerepresenta ng kinatawan ng Servite Catholic School ang bayan ng Laurel.
Makakaasa ang lahat sa patuloy na suporta nina Mayor Lyndon M Bruce at ng mga myembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Aries Parrilla sa mga gawain at proyektong magpapakilala sa husay at galing ng kabataang Laureleño!



0 Comments