Isang Mapayapa at Malinis na Halalan... Iyan ang tema ng isinagawang Simultaneous Peace Covenant Signing ngayong araw ng Sabado, Setyembre 16, 2023







 Isang Mapayapa at Malinis na Halalan... Iyan ang tema ng isinagawang Simultaneous Peace Covenant Signing ngayong araw ng Sabado, Setyembre 16, 2023 sa ating Municipal Gymnasium. Nagsimula ang gawaing ito sa isang misa na ginanap naman sa Immaculate Conception Parish sa ating bayan, ganap na 5:30 ng umaga.

Kasama sa programa ang unity walk na dinaluhan nina Mayor Lyndon M Bruce, Vice Mayor Aries Parrilla, PNP- Laurel Officers, BFP-Laurel Officers, COMELEC officials, Philippine Coast Guard, Barangay and SK candidates, at mga supporters.
Dalangin namin ang isang matagumpay, payapa, at malinis na 2023 Barangay at SK Election hindi lang sa bayan ng Laurel kundi sa buong bansa!

Post a Comment

0 Comments