Salamat Panginoon sa isang linggong nagdaan.
Salamat sapagkat sinamahan mo kami sa aming dalamhati at kalungkutan.
Salamat sapagkat ikaw ang nakababatid ng aming mga luhang lingid sa kaalaman ng iba.
Salamat rin sa pagsama mo sa amin sa mga pagsubok na dumadating sa aming buhay sapagkat minsan pa ay pinatunayan mong ikaw ang Diyos na mas malaki kaysa sa aming mga suliranin.
Subalit higit sa lahat, salamat sa buhay at kalakasan. Sapagkat alam namin na magiging daluyan kami ng pagpapala para sa aming kapwa.
Sa lahat ng aming ginagawa, ang pangalan mo nawa ang siyang maluwalhati!


.jpg)
0 Comments