Sama-samang naglinis ng lawa ng Taal ang lahat ng kinatawan ng mga harvesters, fish cage operators, feeds suppliers







 Ngayong umaga ng Sabado, Setyembre 2, 2023, sama-samang naglinis ng lawa ng Taal ang lahat ng kinatawan ng mga harvesters, fish cage operators, feeds suppliers, brgy officials at functionaries, Philippine Coast Guard, gayundin ang 4ps. Naging bahagi rin ng maka-kalikasang gawaing ito sina Mayor Lyndon M Bruce, Konsehal Norvic Garcia, Konsehal Lito Rodriguez, Konsehal Kiko Endozo, Konsehala Sylvia Austria at Konsehala Iris Agojo.

Bawat barangay sa baybay -lawa tulad ng Berinayan, Leviste, Balakilong, Bugaan East, Gulod, At Buso-buso ay nagpamalas ng pagsuporta sa paglilinis na ito. Katulad ng lagi naming sinasabi, wala nang ibang magmamahal sa ating kalikasan kundi tayong mga Laureleño rin!
Salamat Ms. Anne Mirjam Atienza at sa Municipal Agriculturist Office staff gayundin sa Fishport Manager na si Mrs. Agnes Artista sa inyong pangangasiwa sa matagumpay na gawaing ito. Gayundin sa staff ng ating MDRRMO na sumiguro sa kaligtasan ng bawat isang nakilahok sa gawaing ito.
Proud kami sa inyo! Hanggang sa Susunod na Coastal Clean Up!

Post a Comment

0 Comments