Homecoming parade para sa Pageant of the World 2023







 Matagumpay na naisagawa ngayong araw ng Lunes, Oktubre 9, 2023, ang homecoming parade para sa Pageant of the World 2023 First Runner -up na si Xyrilla Jean Malabanan Antonio --- ang kauna-unahang Laurelena na nakasali at nagwagi sa international pageant competition.

Kasama ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Aries Parrilla, gayundin ang Department Heads, BFP, PNP, PCG, DEPed Laurel, Brgy. Captains at functionaries, at mga empleyado ng Munisipyo, isinagawa ang pagbibigay ng nasabing parangal sa ating Municipal Gymnasium.
Bukod rito, sa talumpati ni Mayor Lyndon M Bruce, muli ay pinasalamatan niya ang lahat ng sumuporta sa nakaraang Teacher's Day, Tree Planting Activity at Clean-up Drive. Pinaalalahanan rin nya ang lahat na mag-ingat lalo na't mataas na muli ang volume ng smog sa ating kapaligiran.

Post a Comment

0 Comments