Katuwang ang ating MENRO at sa pakikipag-ugnayan sa ING Hubs Phils., nagsagawa ng tree planting sa Antona River sa Brgy San Gabriel ngayong unang Sabado ng Oktubre, 2023. Nilahukan ito nina Mayor Lyndon M Bruce, Konsehal Kiko Endozo, Konsehal Gina Landicho, Konsehal Norvic Garcia, Konsehal Liezl de Castro, at Konsehal Lito Rodriguez. Naroroon rin ang BFP at PNP, staff ng MENRO, at iba pang volunteers para makiisa sa naturang gawain.
Sapagkat ang unang Sabado rin ng bawat buwan ay Clean -Up Drive sa ating bayan, nais naming magpasalamat sa bawat barangay na nakilahok sa programang pangkalinisan at pangkalikasang ito. Maraming Salamat sa mga barangay captains na patuloy na nagpapakita ng inisyatibo para sa kapakanan ng ating kapaligiran. Tunay ngang sa isang bayang malinis, lahat tayo ay panalo!



0 Comments