Noong Oktubre 17, 2023, nagsagawa ng libreng X-ray ang Culion Foundation sa pangunguna ni Sir Dennis Mangubat at ng Provincial Health Office sa ating bayan. Layunin ng gawaing ito na isinagawa sa ating Municipal Gymnasium na magkaroon ng pagsusuri sa mga taga Laurel na sumasailalim sa TB program, may comorbidity at mga close contacts ng mga pasyente, gayundin ang mga may nararamdaman sa kanilang respiratory system.
Maraming Salamat, Culion Foundation sa pagmamahal sa mga Laureleño!



0 Comments