PAGPAPATULOY NG NASIMULANG GAWAIN PARA SA MGA MAG-AARAL NA LAURELEÑO
Bago pa man magsimula ang klase sa taong ito, maraming aktibidad pampaaralan na ang isinagawa ng administrasyon ni Mayor Lyndon M Bruce at ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Aries Parrilla para sa ating mga mag-aaral. Naririyan ang pakikipag-ugnayan sa Babae, Lakas ng Mamamayan na nagsagawa ng libreng gupit at feeding program, gayundin ang samahan ng LGBTQ na nagsagawa ng kaparehong gawain sa tulong ng Batangas Varsitarian. Lahat nang ito ay sinuportahan ng ating mga pinuno ng bayan partikular na ni Mayor Lyndon M Bruce.
At bilang pagpapatuloy ng dakilang gawaing ito, ngayong araw na ito ay nangamusta sina Mayor Lyndon M Bruce, Konsehal Kiko Endozo, Konsehal Gina Landicho, at Konsehal Liezl De Castro sa Duhat Elementary School (San Gregorio Annex) at Paliparan Elementary School bitbit ang mga karagdagang school supplies.
Bakas na bakas sa mukha ng mga bata ang kasiyahan. Higit sa nakamtan na school supplies, tuwang-tuwa rin sila na nakakadaupang-palad nila ang mga pinuno ng ating bayan



0 Comments