REROUTING PLAN FOR UNDAS 2023

 



REROUTING PLAN FOR UNDAS 2023

SOURCE: PNP- LAUREL
Ipinababatid sa lahat na sa darating na November 1, 2023, simula Alas-5 ng umaga hanggang Alas - 6 ng hapon, ay pansamantalang ipapatupad ang One-Way sa Brgy Bugaan West.
Lahat ng manggaling sa Gulod at Buso-Buso patungong bayan ay mangyaring sa Bugaan East (National Highway) na dumaan at lahat ng taga Bugaan West na patungong bayan o palabas ng kanilang barangay ang exit po ay sa may Covered Court (kanan pagsapit ng Bugaan West Brgy Hall).
Lahat ng patungong Brgy Bugaan West na magmumula sa sementeryo ay mangyaring dumaan sa Entrance (Kaliwang bahagi ng sementeryo). Ang malalaking truck ay pahihintulutan na dumaan sa National Highway at hindi na kailangang pumasok pa sa Brgy Bugaan West.
Ito ay pansamantalang ipatutupad upang magamit ang kabilang linya bilang parking ng mga sasakyan na magtutungo sa sementeryo sa November 1, 2023.
Makikita sa ibaba ang mapa para sa inyong reference:
🟨dilaw na box na tumutukoy sa mga Parking Area.
🟩 green box ay ang mga available na parking space sa ating munisipyo
🟫brown box ay lugar na hindi maaaring magpark ang mga sasakyan o hindi maaaring tumigil dito.
🟦At ang blue box ay ang terminal ng tricycle.
Sa pakikipag ugnayan na rin ni Mayor Lyndon Bruce kay dating Kapitan Cris Lamano, maaari na ring gamitin ang bakanteng lote sa kanang bahagi ng sementeryo bago sumapit ng tulay patungong bayan bilang Parking Area.
Mangyaring sumunod lamang sa mga alituntuning ito para sa maayos na paggunita sa darating na Undas.
Maraming Salamat po.

Post a Comment

0 Comments