UNDAS 2023. Kaya naman upang masiguro ang kalinisan ng himlayang bayan







 Nalalapit na ang UNDAS 2023. Kaya naman upang masiguro ang kalinisan ng himlayang bayan para sa kaalwanan ng mga dadalaw sa kanilang mga namayapa sa buhay, nagsimula nang maglinis ang Batangas Varsitarian - Laurel Chapter katuwang ang Tau Gamma Phi na kilala rin bilang Triskelion. Lubos ang suportang ibinuhos nina Mayor Lyndon M Bruce kasama sina Konsehala Sylvia Austria, Konsehal Lito Rodriguez, Konsehal Liezl De Castro, Konsehal Iris Agojo at Konsehal Gina Landicho sa gawaing ito kaya naman maaga pa ay naroroon na rin sila. Nakaantabay rin ang truck ng ating MENRO at mga tauhan nito upang mag-assist sa pagtatapon ng mga basura.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay nagkaroon rin ng ganitong paglilinis ng sementeryo para sa paghahanda sa Undas.

Post a Comment

0 Comments