133 BENEFICIARIES OF TUPAD, NAGKAROON NG ORIENTATION NGAYONG ARAW!
Ngayong araw na ito, November 21, 2023, matagumpay na isinagawa sa ating Municipal Function Hall ang Orientation ng 133 beneficiaries ng programang TUPAD mula sa tanggapan nina Senator Ronald "Bato" de la Rosa katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) na kinatawan ni Mr. LA Katigbak. Naroon ang kinatawan ni Senator dela Rosa na si Mr. Jhun Morales Luzon Head Political Officer. Sa kanyang talumpati, binanggit ni Sir Jhun ang kahalagahan ng isinasagawa nating pagsulat sa tanggapan ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan upang makilala ang ating bayan at matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan.
Asahan na patuloy ang ginagawang pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang ahensya nina Mayor Lyndon M Bruce katuwang ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Aries Parilla para sa mas marami pang programang katulad nito na tunay na malaking maitutulong sa mga mamamayan ng ating bayan.



0 Comments