21 BARANGAY CAPTAINS, 21 SK CHAIRPERSONS





 21 BARANGAY CAPTAINS, 21 SK CHAIRPERSONS

ONE HEART, ONE LAUREL!
Taos-puso naming binabati ang mga bagong halal na barangay Captains at Sangguniang Kabataan Chairpersons ng ating bayan. Ang inyong tagumpay ay isang pagpapatunay na may nakikitang potensyal sa inyo ang ating mga kababayan upang sila ay pamunuan. Kaya lagi nating tatandaan na tayo ay naririto upang magsilbi at hindi para pagsilbihan.
Sa inyong mga kamay, inaasahan namin ang mas matatag at mas progresibong barangay. Ang pagkakaroon ninyo ng bagong responsibilidad ay ituring ninyong pintuan na magbubukas sa atin ng pagkakataon upang sama- samang itaguyod ang kapakanan ng bawat isa.
Nawa'y patuloy ninyong dalhin ang inyong liderato nang may integridad at malasakit sa kapwa.
Ngayon pa man, Maraming salamat na sa inyong isasagawang serbisyong bayan. Mabuhay ang masiglang barangay at Sangguniang Kabataan! MABUHAY ANG BAYAN NG LAUREL!

Post a Comment

0 Comments