Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Pay-out

 




Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Pay-out

Ipinamigay noong Biyernes, November 17, 2023 ang AICS na nagbuhat sa tanggapan ni Senator Imee Marcos kung saan nagkaroon ng 608 na benepisyaryo ng naturang programa. Bunga ito ng pagsulat at pagfa-follow up ng tanggapan ni Mayor Lyndon M Bruce upang ang mga taga-Laurel ay mabigyan ng mga assistance na tulad nito. 

Maraming Salamat sa staff ng Mayor's Office at MSWDO na nangasiwa sa paghahanda ng mga kaukulang dokumento gayundin sa pag-asisti sa naturang pay-out. Naroon nang araw na iyon sina Mayor Lyndon M Bruce, Konsehal Lito Rodriguez at Konsehal Liezl De Castro upang personal na makadaupang-palad ang mga benepisyaryo. Ang programang ito ay lubos na sinusuportahan ng administrasyong ito gayundin ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Aries Parrilla. 

Marami pang mga katulad nito ang bababa sa ating bayan sapagkat hindi tumitigil ang administrasyong ito sa paggawa ng mga sulat at pagpapadala ng mga email sa mga opisyales ng National Government dahil kayo ay mahalaga sa amin!

Post a Comment

0 Comments