Noong Huwebes, ika-14 ng Disyembre 2023, namahagi ng mga fertilizer assistance ang Kagawaran ng Agrikultura

 






Noong Huwebes, ika-14 ng Disyembre 2023, namahagi ng mga fertilizer assistance ang Kagawaran ng Agrikultura para sa mga magsasaka ng palay sa bayan ng Laurel. Dinaluhan ito ng ating minamahal na Punong Bayan, Kgg. Lyndon Bruce, Kgg. Kiko Endozo, Kgg. Norvic Garcia, Bb. Anne Mirjam Atienza, Municipal Agriculturist, kasama si Gng. Elizabeth Gregorio - APCO ng Batangas bilang kinatawan ni Director Milo Delos Reyes ng DA RFO IV-A at binigyang suporta ni Atty. King Collantes, kinatawan ni Kgg. Maitet Collantes.

Dito’y namahagi rin ng mga garden tools at grasscutter para sa ilang paaralan sa ilalim ng Gulayan sa Paaralan Program (GPP) sa inisyatibo ni Gng. Nieves Opeña, GPP Coordinator, kasama si Dr. Elsie Navarro, District Supervisor.
Kasabay rin nito ay ipinamahagi ang mga coffee seedlings mula sa Batangas State University - The National Engineering University, Lobo Campus.
Bagamat huling buwan na ng taon ay patuloy pa rin ang mga biyayang natatanggap ng mga Laureleño. Dahil naniniwala sina Mayor Bruce at ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Aries Parrilla na anumang kinakailangan para sa ikauunlad ng sektor ng agrikultura ng bayan ng Laurel ay marapat lamang na maibahagi sa mga benepisyaryo nito.

Post a Comment

0 Comments