Lubos ang pasasalamat ng Pamahalaang Lokal ng Laurel, Batangas sa pangunguna ni Mayor Lyndon M Bruce at ng Sangguniang Bayan sa pangunguna naman ni Vice Mayor Aries Parrilla sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pagtugon sa ating kahilingan na madagdagan ang ating Patient Transport Vehicle. Sa ating liham na ipinadala sa naturang tanggapan, isinaad natin ang marubdob nating pagnanais na matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan sa panahon ng Emergency.
Apat (4) na bayan lamang sa Batangas ang napagkalooban nito at isa na rito ang bayan ng Laurel. Sa panayam na isinagawa sa ating Mayor, ngayong araw na ito ng Lunes, December 11, 2023, sa isinagawang Turn-over, ipinaabot niya ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa naturang ahensya. Naroon rin si DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. na bumati rin sa mga Mayors na naroon.
Maraming salamat rin kay Aaron Austria sa tulong rin niya sa katuparan ng proyektong ito.



0 Comments