Tawag sa lahat ng mga taga-Laurel, Batangas! Sumali sa kwento ng Pagbibigay-Pugay:

 



Tawag sa lahat ng mga taga-Laurel, Batangas! Sumali sa kwento ng Pagbibigay-Pugay: "𝗦𝗶𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 '𝗦𝗮𝗻𝘁𝗮 𝗞𝗹𝗮𝘄𝘀' 𝗺𝗼 𝗮𝘁 𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗦𝗶𝘆𝗮 𝗡𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗘𝘀𝗽𝗲𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗜𝘆𝗼?" Handog ni SKMF President 𝗚𝗢𝗗𝗪𝗜𝗡 𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡𝗢!

👨‍👩‍👧‍👦
Paano Sumali:
1. I-like at I-share ang aming page. 👍
2. Bukas sa lahat ng residente ng Laurel (WALANG LIMITASYON SA EDAD) 🫶🏻
3. Ipadala ang Iyong Pinakamahusay na Kuwento: Larawan ng 'Santa Klaws' sa Buhay Mo at Bakit Siya Naging Espesyal para sa Iyo.
4. Ipasa ang lahat ng mga detalye dito sa aming Official FB Page kasama ang iyong Pangalan, Tirahan, at Contact Number.
5. Deadline ng pagpapasa: December 20, 2023, 8:00 ng umaga.
‼️PAALALA: Ang pagbilang ng mga likes ay mula lamang sa mga taong nakalike at nakafollow sa aming opisyal na FB page.
Mga Patakaran para sa Contest:
1. Isang entry lamang bawat kalahok.
2. Ang bawat entry ay dapat na orihinal at nagmula sa mismong karanasan ng bawat kalahok, na nagsasaalang-alang sa katanungang: "Sino si Santa Klaws sa buhay mo at bakit siya naging si espesyal para sa iyo?"
3. Ang bawat paliwang ay binubuo lamang ng 5-8 sentences.
Mga Mekanismo sa Online na Boto:
1. I-uupload namin ang iyong larawan kasama ang inyong caption (5-8 sentences) sa December 20, 2023, 6:00 ng gabi sa aming opisyal na FB Page.
2. Kumalap ng mga reaksyon at pagbahagi sa inyong larawan. Bawal ang autolikes, at inirerekomenda ang paggamit ng #SantaKlawsNgBuhayKo!
3. Ang botohan ay magsisimula sa December 20, 2023, 6:00 ng gabi, at magtatapos sa December 23, 2023, 5:00 ng hapon.
4. Ang mga mananalo ay mahahayag sa December 25, 2023, 7:00 ng gabi.
Kriterya para sa Pagsusuri:
1. Kaugnayan sa Tema (Interpretasyon ng Tema): 30%
2. Uniqueness & Creativity: 20%
3. Reaksyon at Pagbahagi sa Facebook: 50%
Premyo:
Ang larawan na may PINAKAMARAMING REAKSYON AT PAGBAHAGI base sa kriterya ang mananalo ng mga sumusunod:
1𝘀𝘁 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲: ₱5,000
2𝗻𝗱 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲: ₱2,000
3𝗿𝗱 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲: ₱1,000
Ipahayag natin sa lahat kung sino at gaano kahalaga si Santa Klaws sa ating buhay! Sali na at maging bahagi ng pagmamahal sa #SantaKlawsNgBuhayKo!

Post a Comment

0 Comments