Tumanggap ng parangal ang bayan ng Laurel sa isinagawang 23rd GAWAD KALASAG Regional Awarding Ceremony






 Congratulations Municipality of Laurel Batangas !

Ngayong araw na ito ng Miyerkules , December 20, 2023, tumanggap ng parangal ang bayan ng Laurel sa isinagawang 23rd GAWAD KALASAG Regional Awarding Ceremony na isinagawa sa Twin Lakes Hotel, Laurel Batangas.
Ang parangal na ito ay dahil sa ating pagiging FULLY COMPLIANT sa mga requirements upang maasistihang mabuti ang ating mga kababayan lalo sa panahon ng kalamidad at biglaang pangangailangan.
Tinanggap nina Mayor Lyndon M. Bruce at Binibining Venus de Villa ang plake at sertipiko ng karangalan.
PARA SA INYO ITO MGA KAPWA NAMIN LAURELEÑO! Lalo naming pagbubutihin ang aming paglilingkod sa inyo dahil mahal namin kayo!

Post a Comment

0 Comments