BAGONG TAON, BAGONG SIGLA SA PAGLILINGKOD!




 


BAGONG TAON, BAGONG SIGLA SA PAGLILINGKOD!

Ngayong araw na ito ng Martes, Enero 2, 2024, unang araw ng pagbabalik trabaho sa Pamahalaang Lokal ng Laurel, Batangas para sa taong kasalukuyan, naglibut-libot si Mayor Lyndon M Bruce sa bawat opisina ng ating Munisipyo upang personal na batiin ang mga empleyadong naroroon ng Maligayang Bagong Taon.

Samantala, nagpunta rin sa Tanggapan ng Punongbayan si Police Major Francisco Luceña IV, ang hepe ng kapulisan sa ating bayan, upang magbigay-ulat sa mga pangyayari nang nagdaang mga linggo. Pinag-usapan rin nila kung paano lalong mapapaigting ang mga batas sa ating bayan para na rin sa ating kaligtasan.

Malugod rin niyang tinanggap ang mga pumunta roon na humihingi ng tulong para sa mga may karamdaman o bills sa ospital, sa pangangailangan sa pag-aaral, at maging sa mga namatayan nating kababayan. 

Nagbigay-payo rin siya sa mga isyung pambarangay upang malutas kaagad ang anumang usapin sa barangay sa lalong madaling panahon. Ayon nga sa kanya, anumang isyu ay nararapat na binibigyang solusyon kaagad dahil walang maaapektuhan kundi ang taong barangay. 

Sama-sama nating harapin ang 2024 na may maalab na paglilingkod sa ating bayan! Umaasa kami sa patuloy ninyong pagsuporta sa ating mga nakalatag na gawain at programa para sa kaunlaran nating lahat.

Post a Comment

0 Comments