January 23, 2024, isinagawa ng pagbibigay ng rubber mats sa bawat daycare centers ng sampung (10) barangay

 





Ngayong araw na ito Martes, January 23, 2024, isinagawa ng pagbibigay ng rubber mats sa bawat daycare centers ng sampung (10) barangay sa ating bayan. Sa talumpati nina Konsehala Sylvia Austria at Mayor Lyndon M Bruce, kapwa nila pinasalamatan ang mga day care workers na naroon gayundin ang mga presidente ng mga ito. Kinilala rin ang tulong na ginagampanan ng mga kapitan at opisyal ng barangay sa pagpapalawig ng mga programa ng bawat Daycare Centers sa ating bayan.

Taos puso rin ang pasasalamat ng administrasyong ito sa ating MSWDO Head na si Maam Bibeth Macaraig at sa Day Care Focal Person na si Ma'am Nancy Aala. Ang naturang mga rubber mats ay malaki ang maitutulong sa kaligtasan at kaalwanan ng mga mag-aaral habang sila ay nasa loob ng silid-aralan.

Post a Comment

0 Comments