MGA TAPAT NA LAURELEÑO!

 




MGA TAPAT NA LAURELEÑO!

Ngayong araw na ito ng Biyernes, January 26, 2024, habang nagsasagawa ng traffic scheme plan kaninang ika-9 ng umaga ang ating Market Administrator OIC na si G. Jojo Genil kasama ang Hepe ng Brgy Tanod ng Pob. 2 na si G. Abet Deomampo, , at kanyang kasama na si G. Leovie Landicho, ay nakapulot sila ng bag na may lamang mahahalagang gamit tulad ng cellphone at pera.
Di nagtagal at nahanap na rin ang may-ari ng bag na si Gng. Yolly Malabanan. Maayos na naisauli ang naturang bag sa may-ari nito na tuwang tuwa sa katapatan na ipinakita ng ating mga tanod.
Saludo kami sa inyo! Dumami pa nawa ang tulad ninyo na tapat at gumagampan ng tungkulin mula sa puso.

Post a Comment

0 Comments