Tree Planting activity ng mga guro at mag-aaral buhat sa Batangas State University -Malvar Campus.






 Sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay ng Bugaan West, Barangay Tanod, BHW, BNS, BLM Cares Parent Leaders and Members at mga myembro ng National 4Ps, naging matagumpay ang Tree Planting activity ng mga guro at mag-aaral buhat sa Batangas State University -Malvar Campus. Ginanap ito sa Sitio Bignay, Bugaan West, Laurel, Batangas.

Bilang pagsang-ayon ni Mayor Lyndon M. Bruce sa katuparan ng gawaing ito, nakipag-ugnayan si Ms. Mariel Mañibo sa pamunuan ng Brgy. Bugaan West na nagtalaga naman kay Brgy. Sec. Jorge Solis para pangunahan ang gawaing ito.

Para sa kalikasan! Para sa bayan!

Post a Comment

0 Comments