Laurel Batangas Tricycle Operator & Driver Association (LABTODA)






 Nitong Lunes, Marso 4, 2024, nanumpa sa tanggapan ni Mayor Lyndon M. Bruce ang mga bagong halal na opisyales at tagapayo ng Laurel Batangas Tricycle Operator & Driver Association (LABTODA) sa pangunguna ng kanilang bagong pangulo na si Sir Celso Endaya.

Nagpapasalamat ang administrasyong ito sa samahan ng mga tricycle drivers sa kanilang pagkilala sa magagawa ng administrasyong ito para sa kanilang organisasyon. Gayundin, nagpapasalamat si Mayor Lyndon M Bruce dahil sa pakikipagtulungan ng samahan sa lahat ng programa ng ating lokal na pamahalaan. Congratulations!

Post a Comment

0 Comments