Commission on Higher Education sa isinagawang inspection ng pasilidad at ng kurikulum ng BS Agri Business, isa sa nga kursong iooffer ng Colegio de Laurel.

 





"Nakakaimpress ang line up ng inyong faculty pati na rin ang inyong curriculum," iyan ang mga katagang nasambit ni Dr. Adolfo Manuel, na buhat sa Commission on Higher Education sa isinagawang inspection ng pasilidad at ng kurikulum ng BS Agri Business, isa sa nga kursong iooffer ng Colegio de Laurel.

Ayon kay Mayor Lyndon Masicat Bruce , " Matagal na naming pangarap ito kaya naman alam ko na tutulungan ninyo kami, mga kinatawan buhat sa CHED, upang lalong mapaganda ang programa naming ito para sa kabataang Laureleño."
Naroon rin ang College President na si Sir Byen Mayuga, SB Chair for Education na si Konsehal Liezl de Castro, mga Program Heads, at mga kawani ng Colegio de Laurel na nagpamalas ng lubos na suporta sa inspection na ito.
Para sa inyo ito, mga kabataang Laureleño!

Post a Comment

0 Comments