Matagumpay na nakarating sa Seongju, South Korea ang 45 na Laureleño...




 Matagumpay na nakarating sa Seongju, South Korea ang 45 na Laureleño na bumubuo sa 2nd batch ng mga kababayan natin na sumasailalim sa Seasonal Workers Program. Matatandaan na nitong Marso 2024 ay dumating naman roon ang unang batch na binubuo ng 62 na mga Laureleño.

Maraming Salamat sa Department of Migrant Workers gayundin sa OWWA Overseas Workers Welfare Administration sa pagkakaloob sa ating mga kababayan ng Special Exit Clearance matapos nilang magkamit ng PDOS Certificate at OWWA receipt.

Post a Comment

0 Comments