Modular Distance Learning (MDL) sa lahat ng antas ng paaralan sa Bayan ng Laurel




 Matapos ang konsultasyon sa Local Health Authorities at sa obserbasyon kaugnay ng tumataas na Heat index, minabuti na magsagawa ng Modular Distance Learning (MDL) sa lahat ng antas ng paaralan sa Bayan ng Laurel upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga mag-aaral, guro, at non-teaching staff. Magaganap ito sa Lunes, April 29, 2024 hanggang May 10, 2024, araw ng Biyernes.

Patuloy ang paala-ala ng administrasyong ito na iwasan ang lumabas sa katirikan ng araw at uminom ng maraming tubig bilang pag-iingat sa banta ng tumitinding init.

Post a Comment

0 Comments