Personal na nakipag-ugnayan si Mayor Lyndon Bruce kina G. Fidel Libao (Regional Executive Director - Department of Agriculture Region IV-A)...

 





Kahapon, ika-1 ng Abril 2024, sa kabila ng napakabusy na schedule ng ating punong bayan ay nilaanan niya ng oras at personal na nakipag-ugnayan si Mayor Lyndon Bruce kina G. Fidel Libao (Regional Executive Director - Department of Agriculture Region IV-A), Dr. Romelito Marasigan (Provincial Veterinarian) at Dr. Rodrigo Bautista Jr. (Provincial Agriculturist) para sa mga proyekto at programang pang-agrikultura para sa bayan ng Laurel.

Kasama sina Bb. Anne Mirjam Atienza (Municipal Agriculturist), Gng. Lanie Pangilinan at Bb. Vangie Del Rosario (Agriculture Office Staff), tinalakay ang kasalukuyang estado ng bayan ukol sa paghahayupan, mga kagamitan at makinaryang ginagamit sa pagtatanim, irrigation facilities, Farm-to-Market Road Projects at Seasonal Farm Worker Program.
Tunay na kahanga-hanga ang sipag at dedikasyon ng ating Punong Bayan maihatid lamang ang mga programa para sa mga Laureleño. Nawa’y patuloy ang pagkakaroon ng magandang ugnayan ng ahensyang nagiging kaagapay ng ating bayan tungo sa isang Bagong Laurel… Maunlad!

Post a Comment

0 Comments