Matagumpay na tumulak patungong South Korea, mula May 25-28, 2024, sina Konsehal Kiko Endozo ( SB Chair for Agriculture) kasama si Administrator Byen Mayuga







 Alinsunod sa utos ni Mayor Lyndon Masicat Bruce gayundin sa napagkasunduan sa pagitan ng Department of Migrant Workers (DMW), matagumpay na tumulak patungong South Korea, mula May 25-28, 2024, sina Konsehal Kiko Endozo ( SB Chair for Agriculture) kasama si Administrator Byen Mayuga upang personal na makita ang kalagayan ng ating mga seasonal farmers na nagtungo roon ngayong taon.

Sa pakikipag-usap sa mga kinatawan ng Munisipyo ng Seongju na sina Mr. Noh, Seasonal Workers Program Vice President, at Ms. Lee Hwa Suk, President of Councilors in Seong-ju, sinabi nilang napakasipag at napakabait ng mga magsasakang Laureleño na ating ipinadala roon. Dahil dito, DARAGDAGAN nila ang bilang ng mga seasonal workers na kukunin nila sa bayan ng Laurel. Magpapatuloy rin ang deployment sa probinsya ng Seongju at Hampyeong sa mga susunod na buwan.
Sa aming mga Laureleño na kasama sa Seasonal Workers Program, Proud kami sa inyo. Hindi ninyo alintana ang sakit ng katawan at ang pagod sa maghapon para lamang magkaroon ng magandang bukas ang mga mahal ninyo sa buhay.

Post a Comment

0 Comments