Naganap ngayong araw na ito ng Sabado, May 11, 2024, ang ribbon cutting Ceremonies...







 Naganap ngayong araw na ito ng Sabado, May 11, 2024, ang ribbon cutting Ceremonies bilang pormal na pagkilala sa kabutihang loob ng Pamilya nina Gen. Bobby Calinisan sa pagkakaloob nila ng lupa sa bahagi ng Purok 1, Brgy. Balakilong patungong Brgy. Molinete. Ang naturang donasyong lupa ay naging dahilan upang lumawak ang naturang kalsada na dati-rati ay makipot. Nagdulot ng kaginhawaan ito sa sinumang motorista na dumaraan dito na ngayon ay tinatawag na RAFAEL CALINISAN SR. STREET

Naroon si Mayor Lyndon Masicat Bruce , Vice Mayor Aries Parrilla at mga kasapi ng Sangguniang Bayan upang saksihan ang seremonyang ito, kasama ang Sangguniang Barangay ng Balakilong at Molinete gayundin ang ilang piling panauhin.

Post a Comment

0 Comments