Kahapon, June 7, 2024, araw ng Byernes, naganap ang Turn Over of machineries (floating tiller at dalawang (2) hand tractors)

 





Kahapon, June 7, 2024, araw ng Byernes, naganap ang Turn Over of machineries (floating tiller at dalawang (2) hand tractors) sa mga magsasakang Laureleño sa ilalim ng Rice Program ng Department of Agriculture RFU IV-A sa pangunguna ni Regional Executive Director, Mr. Fidel Libao, at Ms. Maricris Ite, Regional Rice Coordinator.

Naging benepisyaryo ng naturang programa ang Laurel Municipal Federation of Farmers Association Inc. at ang Angat Kabuhayan Sitio Duhat Farmers Association. Dinaluhan ito ng Regional Agricultural Engineering Division & Agricultural Program Coordinating Office. Naroon rin sina Mayor Lyndon M Bruce, Vice Mayor Aries Parrilla, at ilang myembro ng Sangguniang Bayan upang sumaksi sa pagkakaloob na ito.
Siniguro rin na natest at naorient ang mga magsasaka kaugnay ng wastong paggamit ng mga naturang kagamitang pansaka.

Post a Comment

0 Comments