FAKE NEWS‼️‼️ Ayon sa PHIVOLCS, ang kumakalat na video sa social media na nagpapakita ng pagsabog ng Bulkang Taal.



FAKE NEWS‼️‼️
Ayon sa PHIVOLCS, ang kumakalat na video sa social media na nagpapakita ng pagsabog at makapal na pagbuga ng usok ng Bulkang Taal. Ang nasabing video ay taong January 2020 pa.
Nagpaalala rin ang ahensya na maging mapanuri bago magpost sa social media para hindi magdulot ng panic sa publiko.
Sa kasalukuyan ay nakakaranas ng Vog ang ilang lugar dito sa Batangas.
Narito ang mga paalala na mga dapat gawin upang mapangalagaan natin ang ating kalusugan mula sa Vog.
Una, 𝐈𝐖𝐀𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐔𝐌𝐀𝐁𝐀𝐒 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐇𝐀𝐘. Manatili sa bahay at isara ang mga pinto pati na rin ang mga bintana.
Pangalawa ,𝐃𝐀𝐋𝐀𝐒𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-𝐈𝐍𝐎𝐌 𝐓𝐔𝐁𝐈𝐆. Ito ay upang maibsan ang iritasyon o paninikip ng dibdib.
Ikatlo ,𝐏𝐑𝐎𝐓𝐄𝐊𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐑𝐈𝐋𝐈. Sa pamamamagitan ng pagsusuot ng N95 face masks o gas masks, malaking tulong na ito upang maiwasan magkaroon ng komplikasyon sa kalusugan, lalo na sa mga taong may sakit sa baga (hal. asthma)
At ika apat, 𝐌𝐀𝐆𝐏𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐀𝐆𝐀𝐃 𝐒𝐀 𝐃𝐎𝐊𝐓𝐎𝐑 𝐎 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐔𝐍𝐈𝐓. Kung nakararanas ng matinding epekto ng SMOG, mas mainam na magpatingin agad sa doktor upang malunasan ito kaagad.
Para sa karagdagang impormasyon, bumisita lang sa PHIVOLCS Official Facebook Page at ng Batangas Provincial DRRMO.

Post a Comment

0 Comments