TINGNAN: Isa na namang makabuluhang pangyayari ang naganap noong Ika-12 ng Agosto,





 TINGNAN: Isa na namang makabuluhang pangyayari ang naganap noong Ika-12 ng Agosto, araw ng Lunes, kung saan ay idinaos ang Lokal na pangangalap na nagnais na magtrabaho sa kumpanyang "STARKSON PACKAGING INC." na matatagpuan sa Barangay Luksuhin, Silang, Cavite, sa pakikipag-ugnayang kay G.Arvin Delmo at sa pakikipagtulungan nina Kgg. Lyndon Masicat Bruce, Punong Bayan, Kgg. Aries M. Parilla, Pangalawang Punong Bayan at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, ay 10 katao ang tanggap agad bilang mga "Production workers" at 6 na tapos ng kolehiyo na sina: Sheila Marie Mendoza, taga San Gabriel, bilang Document Controller; Rhandy Cunag, taga Gulod, bilang Trainee Line Supervisor; Kaye Palmones, taga Ticub bilang QA Inline; Jodelyn Jumarang, taga Poblacion 2 bilang QA Inline; James Cabillo, taga Gulod, bilang Line QA Inspector; at Emirose Mendoza, taga Ticub, bilang Trainee QA Supervisor.

Patunay lamang po na hangad ng Administrasyon sa pangunguna na ating Punong Bayan na maghatid ng karampatang hanapbuhay para po sa mga Laureleños.
Sa mga nagnanais pa pong magtrabaho sa nabanggit na kumpanya, mangyari lamang po na magsumite kayo ng inyong "RESUME/DIO DATA" sa atin pong PESO Manager, Arnulfo Escaño. Maaari po siyang tawagan sa numerong 09954804492 at 09702334523
Maraming salamat po!

Post a Comment

0 Comments