Magandang araw po - Para sa alternate route:

 


Magandang araw po.

Ipinababatid po sa lahat ng dumaraan sa Laurel-Canyon Woods Road Provincial Road Brgy Ticub Laurel Batangas na pansamantalang isasarado ang kalsada at tanging motorsiklo lamang ang maaaring dumaan.
Para sa alternate route:
Kung patungong bayan ng Lemery ay mangyaring tahakin ang daan patungong Gulod-Buso Buso.
• Kung patungong Tagaytay ay mangyaring tahakin ang As-Is Niyugan Road ngunit paalala lamang ang ibayong pag iingat sapagkat may mga banta ng pagguho ng lupa sa lugar at matarik ang nasabing daan. Hindi maaaring dumaan dito ang malalaking sasakyan gaya ng mga truck sapagkat delikado. Kung hindi pamilyar sa daan ay mangyaring piliin ang alternatibong daan sa Bayan ng Talisay patungong Tagaytay.
• Para sa mga taga San Gregorio at Ticub na nagnanais na makapunta ng bayan ay mangyaring dumaan sa San Gregorio to San Gabriel ngunit paalala lamang din, tahakin lamang ang daang ito kung ikaw ay pamilyar sa daan at ibayong pag iingat. Hanggat maaari ay maliliit lamang na sasakyan ang pwedeng dumaan dito. Iwasan ang pagdaan ng mga trucks sa nasabing kalsada.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa.

Post a Comment

0 Comments