Sa kabila ng ating mga plano para sa tradisyunal na Pailaw sa Bayan ng Laurel, ikinalulungkot naming ipabatid na hindi muna ito matutuloy ngayong taon.




 Sa kabila ng ating mga plano para sa tradisyunal na Pailaw sa Bayan ng Laurel, ikinalulungkot naming ipabatid na hindi muna ito matutuloy ngayong taon.

Dahil sa naging epekto ng Bagyong Kristine, mas pinili nating ituon ang ating pondo at mga resources sa mas mahahalagang pangangailangan ng ating bayan at mga kababayan—lalo na ang pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan at pagsasaayos ng mga nasirang imprastraktura. Napagpasyahan rin ng Lokal na Pamahalaan na hindi muna magsagawa ng Christmas Party ang mga kawani ng ating Pamahalaang Bayan.
Naniniwala kami na ang ating pagtutulungan at pagkakaisa ang siyang magdadala sa atin patungo sa mas maliwanag at makinang na kinabukasan. Ang ating pagmamalasakit para sa isa't isa ang tunay na diwa ng kapaskuhan. Sama-sama tayong babangon, mga kababayan.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta!

Post a Comment

0 Comments