24TH GAWAD KALASAG SEAL OF EXCELLENCE: FULLY COMPLIANT
Sa sunod - sunod na tatlong taon ay nakamit ng Municipality of Laurel Batangas ang parangall na ito buhat sa National Disaster Risk Reduction and Management Council at sa pagkakataong ito ay tinanggap muli ito ni Mayor Lyndon Masicat Bruce kasama si MDRRMO Head, Venus Alilio ngayong araw na ito ng Martes, January 28, 2025 sa Twinlakes Hotel.
Napatunayan ng parangal na ito na epektibo ang ating mga programang laan sa paghahanda sa nga nakaambang panganib sa pamamagitan ng ating 24/7 Disaster Operation. Sinasaad rin ng naturang parangal ang ating lubusang pagsunod sa mga pamantayang isinasaad ng NDRMMC kaugnay ng ating kahandaan bilang isang lokal na pamahalaan.
Congratulations sa ating lahat!

0 Comments