Kahapon, March 3, 2025, araw ng Lunes, pormal na nanumpa bilang bagong Barangay Captain ng Poblacion 4 si Primera Konsehal Jaime Diomampo. Alinsunod sa DILG Rule of Succession, sa sandaling ang Barangay Captain ng isang barangay ay hindi na makagagampan ng katungkulan dulot ng kamatayan, pagkakasakit, o legal na issue, ang papalit sa kanya ay ang primera konsehal ng Sangguniang Barangay.
Hangad namin ang iyong tagumpay sa bagong responsibilidad na iyong babalikatin, Kapitan Jaime.
0 Comments