DANGER HEAT INDEX ALERT!!⚠️



DANGER HEAT INDEX ALERT!!⚠️
BABALA SA TINDING INIT NG PANAHON
Talisay, Batangas 8:00 AM | MAY 1, 2025
⚠️ DANGER CONDITION: 45°C HEAT INDEX!
Ngayong araw, umabot na sa 45°C ang heat index sa Talisay, Batangas ito ay nasa Danger Category. Ibig sabihin, napakataas ang panganib ng heat exhaustion at heatstroke, lalo na sa mga bata, matatanda, at mga may sakit o iniindang karamdaman.
PAAALALA PARA MAKAIWAS SA SAKIT NA DULOT NG INIT:
✅ Uminom ng sapat na tubig kahit hindi nauuhaw.
✅ Iwasan ang matagal na pagkabilad sa araw mula 10:00 AM hanggang 4:00 PM.
✅ Gumamit ng payong, sombrero, o sunscreen bilang panangga sa UV rays.
✅ Manatili sa malamig o maaliwalas na lugar, lalo na sa mga panahong mainit ang singaw ng paligid.
✅ Bantayan ang sintomas ng heat-related illnesses tulad ng:
• Pagkahilo
• Pananakit ng ulo
• Labis na pagpapawis
• Panghihina
• Pagsusuka
MAHALAGANG PAALALA:
Iwasan ang labis na pagkapagod sa gitna ng matinding init. Kung maaari, i-adjust ang mga outdoor activities sa mas malamig na oras ng araw. Protektahan ang sarili at ang iyong pamilya.
Para sa updates, sundan ang MDRRMC Talisay, Batangas at DOST-PAGASA.

Post a Comment

0 Comments