ANOTHER AWARD!!
Sa bisa ng DILG Memorandum Circular No. 2021-039, ang ating LCPC ay sumailalim sa masusing pagsusuri batay sa apat na mahalagang aspeto: Organizational Sustainability, Policies and Plans for Children, Budget for LCPC, Service Delivery Monitoring and Management for Children
Ang pagkilalang ito ay bunga ng sama-samang pagsusumikap ng ating mga opisyal, kawani, at katuwang na ahensya para masiguro ang isang ligtas, masigla, at may pag-asa na kinabukasan para sa bawat batang Laurelen̈o
"Hindi lamang ito parangal kundi isang paalala ng ating patuloy na tungkulin sa bawat batang Laurelen̈o– na sila ay pakinggan, protektahan, at bigyang halaga." – Mayor Lyndon M. Bruce
Maraming salamat sa DILG IV-A at sa bumubuo ng Regional Inter-Agency Monitoring Task Force (IMTF) sa pagkilalang ito.
Tuloy-tuloy ang ating serbisyo, tuloy-tuloy ang malasakit.

0 Comments