”When the time is right, I, the Lord, will make it happen.” Isaiah 60:22
Sa totoo lang — hindi pa rin talaga nagsi-sink in sa akin na nakapasa ako, hindi ko alam ang dapat maramdaman naghalo-halo na. Mas mahirap nga pala ang phase na naghihintay ka ng results kaysa nag-rereview ka. Samo't saring negative thoughts ang papasok sa utak mo, noong una kampante ka na pasado ka pero habang patagal nang patagal dumadami na ang what ifs. Literal na itatanong mo sa utak mo "PAPASA BA?". Pero kung will na talaga ni Lord, no one can never stop that.
Nararanasan mag-review na may nakasalampak na efficascent oil sa ilong, dahil hindi na kinakaya ang lula na nararamdaman dahil sa dami ng inaaral parang gusto mo na lang isuka lahat pero no choice kailangang may maaral ka ng araw na 'yun. Naging coffee lover ang dating tinatawag na agad ng kalikasan while umiinom pa lang, naging savior ang kape kapag inaatake ka na ng antok during intensive reviews. Sa sobrang dami ng nirereview mo kada may makita kang isang bagay, kailangan may paliwanag nasa isip ko noon "baka kasama ito na itanong sa board exam aa". Naging dora sa pag-attend ng mga reviews, umalis ng madilim PA — uuwing madilim NA. Para akong umiidlip lang sa loob ng ilang buwan na pagrereview, review sa kwarto kinabukasan may pasok sa review center hindi pwedeng umabsent dahil mahal ang tuition (hahahahahaha sayang) puyat si gurl ang nangyayari para akong maghapong nakalutang pero thankfully nairaos naman ang ganon na scenario.
Sa aking pamilya Nanay, Tatay, Lola, Lolo, Kapatid, Ninong, Ninang, Tita, Tito, Pinsan, Pamangkin. Punong puno ng pasasalamat ang puso ko sa inyo, na sinamahan akong maghintay ng results buong maghapon na hindi na rin nakagawa ng maayos sa sobrang kabahan na. Noong mismong araw ng alis ko dito before the day of exam, kayo ang naging kakampi ko sa araw na iyun hindi ko na iniisip na may exam kinabukasan samo't saring mensahe ang natanggap ko mula sa inyo. Gaya ho ng palagi kong sinasabi sa inyo, hindi lamang ho para sa akin ang tagumpay na ito kundi para sa inyo rin ho. Salamat ho sa suporta niyong lahat mula umpisa hanggang dulo hindi niyo pinaramdam sa akin na babagsak ako. Napakaming luha ang nailabas natin talaga namang sulit, ang hindi iyakin ay mga naging iyakin, iisang pamilya ho talaga tayo. Salamat ho sa mga kwitis na lagapakan na hahahahaha. Mahal na mahal ko kayo ( Eddie, Shiery Ann, Abeth, Karenlandicho Bathan , Erick, Lemie, Kaye ikaw na ang next.)
Sa mga tiyahin ko both sides, pinsan, dama ko ang sobrang kasiyahan niyo, mahal ko kayong lahat.
Mame Precy, mula tasahan ng lapis hanggang sa makalabas ang result ay bumuhos ang mga luha. Para rin ho sa inyo ito, maraming salamat sa inyo.
Sa aking papasa ba? — friends. Isa kayo sa dahilan kung bakit naging maalwan ang review journey na ito. Hindi na papasa ba? Kundi mga pumasa na. Salamat dabarkads.
CBRC Tanauan, Dr. Carl Balita, sa mga Lecturer maraming salamat po sa inyo na naging guide namin mula umpisa hanggang dulo.
Sa nahiraman ng susuotin, sa nagbigay ng panloob, sa nagtasa ng lapis. Wala namang masama kung maniniwala sa pamahiin proven and tested. Maraming salamat po sa inyong lahat!
Sa aking outside world — friends. Salamat sa pagbibigay ng courage na mag-take ng risk para sumubok sa laban na wala namang kasiguraduhan. Kayo naman ang next.
Sa mga taong pinagdarasal ako, maraming salamat ho sa inyong lahat. Sa mga taong naniwala kilala niyo naman ho ang inyong mga sarili. Sa mga tiyahin kong ramdam ko ang galak at kasiyahan, ang inyong mga yakap ang nagpapatunay kung gaano kayo kasaya para sa — akin.
Ichad na chairman ng PRC, kalalabas ko pa lang ng testing school pasado na raw ako lakas ng fighting spirit mo. Salamat sa pakikinig sa buhay ni Rizal, ngayon lang natin na-realize na pwede ka palang kumuha ng board exam ng para sa teachers dahil lahat ng natutunan ko pasa agad sayo para hindi ko kaagad malimutan. Ramdam ko kung gaano ka kasaya diyan, from Taiwan to Philippines. Maraming salamat, uuwi kang LPT ako!
Para sa batang ako, hindi 'man natupad ang TOTGA course natin ay andoon pa rin ang thought na makakatulong tayo iba nga lang pasyente yung isa, ang natupad naman natin ay para sa mga bata. Thankful and Blessed!
Sa aking mga alma matter (SGES, WTMNHS, SCCFSI, BSU - TNEU) teachers (DAYCARE UNTIL COLLEGE), and everything. Maraming salamat po, sa paghubog niyo sa kung sino 'man ako ngayon.
Sa mga taong proud, kilala ko po kayong lahat hindi ko na kayo maisa isa, salamat sa pagbuhos ng pagmamahal.
Nakupo ano kayang kasunod nito? Masteral? LF kasabay.
Once again...
Mendoza, Shiela Marie B.
Bachelor of Secondary Education
Major in Filipino
Batangas State University - TNEU
LEPT PASSER (FIRST TAKER)
To God be the Glory.

0 Comments